AcciPlan

Product Features

Ang AcciPlan ay isang Yearly Renewable Term Plan na naglalayong makapagbigay ng karagdagang proteksyon sa mga kasapi at lehitimong kaanak nito para sa mga hindi inaasahang pangyayari dulot ng aksidente gaya ng pagkamatay, pagkabaldado at hospitalization.

  • Premium:                    PHP 850.00 (renewable up to age 70)
  • Mode of Payment:    Cash or via Loan
  • Coverage:                      1 year insurance coverage for the principal insured and his/her legal dependents

Eligibility: 18 years old and not more than 65 years old. An active member of CARD Microfinance Institution and CARD MBA. May malusog at malakas na pangangatawan at kaisipan, mayroong kakayahang gumanap sa pang-araw-araw na gawain at hindi Total at Permanenteng Baldado (TPD) sa araw ng aplikasyon sa AcciPlan.

Mga Benepisyo:

MGA BENEPISYO HALAGA NG BENEPISYO
Accidental Death PHP 50,000.00
Accidental Dismemberment/Disablement 50,000.00*
Motor Vehicular Accident Hospitalization 15,000.00
Accidental Daily Hospitalization Income Benefit 500.00 per day up to a maximum of 30 days per policy year

Ang halaga ng benepisyong maaaring matanggap ay nakadepende sa porsyento ng benepisyo ng Accidental Dismemberment/Disablement ayon sa talaan ng mga covered injuries.

SAKOP NA PINSALA PORSYENTO NG BENEPISYO
Kabuuan at hindi na maibabalik na pagkabulag ng dalawang mata 100%
Dalawang kamay o paa 100%
Isang kamay at isang paa 100%
Isang kamay o isang paa at pagkabulag ng isang mata 100%
Kabuuan at hindi na maibabalik na pagkawala ng pananalita maliban na lamang kung ito ay dahilan sa psychiatric causes 50%
Kabuuan at hindi na maibabalik na pagkawala ng pandinig 50%
Isang kamay o isang paa o pagkabulag ng isang mata 50%
Braso mula siko pataas 70%
Braso sa pagitan ng siko at pulsuhan 60%
Binti mula tuhod pataas 70%
Binti sa pagitan ng tuhod at paa 60%

Accidental Death
Ang CARD MBA ay magbibigay ng benepisyo para sa Accidental Death kung ang kasapi at/o lehitimong kaanak ay babawian ng buhay dahilan sa aksidente sa loob ng one hundred eighty (180) days mula sa petsa nang mangyari ang aksidente.

Accidental Dismemberment / Disablement
Sa panahon ng dismemberment o disablement ng kasapi at/o lehitimong kaanak na naganap sa nalolooban ng one hundred eighty (180) days mula sa petsa nang mangyari ang aksidente, ang kasapi o itinalagang benepisyaryo ay tatanggap ng benepisyo ng Accidental Dismemberment/Disablement ng AcciPlan ayon sa talaan ng mga sakop na pinsala na nakasaad sa ika-limang polisiya.

Ang disablement o loss of use ay nangangahulugan na permanenteng kawalan ng kakayahan na kumilos o gumawa ng pang araw-araw na gawain kabilang ang pagkaparalisa na resulta ng neurological damage.

Ang benepisyo ng Accidental Dismemberment/Disablement ay ipagkakaloob lamang matapos kumpirmahin ng isang lisensyadong mangagamot ang alinman sa mga sakop na pinsala o pagkabaldado.

Motor Vehicular Accident Hospitalization (MVAH) Benefit
Kung ang kasapi at/o lehitimong kaanak ay na-ospital dahilan sa aksidente sangkot ang sasakyang de motor na nangyari matapos magkabisa ang sakop ng seguro sa AcciPlan at nagresulta sa pagkaka-ospital ng hindi kukulangin sa 24 oras, babayaran ng CARD MBA ang aktwal na gastusing medikal ayon sa bill ng ospital o mga resibo para sa ginawang panggagamot na naganap sa nalolooban ng one hundred eighty (180) days mula sa petsa nang mangyari ang aksidente. Ang halaga ng benepisyong matatanggap ay hindi hihigit sa LABING LIMANG LIBONG PISO  PHP15,000.00) kada taon sa bawat nakaseguro.

Ang benepisyo ng MVAH sa ilalim ng AcciPlan ay bukod pa sa benepisyong matatanggap ng kasapi mula sa Basic Life Insurance Program (BLIP) at/o Remitter Protek Plan (RPP). Karagdagang polisiya kaugnay sa hierarchy sa paggamit ng benepisyo ng MVAH. Ang benepisyo ng MVAH Benefit sa ilalaim ng BLIP ang unang gagamitin ng kasapi. Ang MVAH Benefit ng Optional Products (RPP o AcciPlan) ay maaari lamang gamitin sa oras na maubos ang benepisyo ng MVAH sa ilalim ng BLIP).

Kung ang kasapi ay may aktibong RPP at AcciPlan sa panahon nang mangyari ang aksidente, ang produkto na unang nagging epektibo ang unang gagamitin ng kasapi. Ang kabuuang halaga ng benepisyo na maaaring matanggap ng kasapi o lehitimong kaanak ay hindi dapat lalagpas sa aktwal na gastos ng kasapi at o lehitimong kaanak base sa isinumiteng hospital bill or mga resibo.

Accidental Daily Hospitalization Income Benefit
Ang kasapi at/o lehitimong kaanak ay tatanggap rin ng Acccidental Daily Hospitalization Income Benefit na nagkakahalaga ng LIMANG DAANG PISO (Php 500.00) kada araw kung ang kasapi at/o lehitimong kaanak ay ma- oospital dahilan sa aksidente. Ang kabuuang halaga ng benepisyo na maaring matanggap ng kasapi at/o lehitimong kaanak kada taon ay hindi hihigit sa LABING LIMANG LIBONG PISO (PHP15,000.00).

Ang benepisyong maaaring matanggap ng kasapi at/o lehitimong kaanak ay magsisimula sa unang araw ng pagkakaospital hanggang sa araw na ito ay ma-discharge sa ospital na hindi hihigit sa tatlumpung (30) araw sa loob ng isang taon para sa lahat ng pagkakaospital. Ibig sabihin, tanging mga kasapi lamang na na-admit o na-confine sa ospital ang maaaring masakop ng Accidental Daily Hospitalization Income Benefit.

CONTESTABILITY & INCONTESTABILITY PERIOD:
Ang AcciPlan ay walang contestability period sapagkat ang sakop lamang nito ay pagkamatay, Dismemberment/Disablement at Hospitalization dulot ng aksidente.

Incontestability Provision – Ang incontestability provision ay ipatutupad rin sa AcciPlan. Maliban sa hindi pagbabayad ng premium o iba pang batayan na kinikilala ng batas, hindi maaaring i-contest ng CARD MBA ang sakop ng seguro matapos maging epektibo ng isang taon. Ibig sabihin, ang CARD MBA ay may isang (1) taong palugit upang suriin ang impormasyon ng kasapi at masiguro na taglay ng mga kasapi ang kwalipikasyon ng AcciPlan.